外国人労働者法律相談マイグラント研究会

Mga Halimbawa ng Solusyon

Ang mga miyembro ng Migrant Study Group ay nakatanggap na ng maraming konsultasyon, at maraming kaso ang matagumpay na naresolba. Narito ang ilan sa kanila:

Konsultasyon 1 -Pagkamatay dahil sa sobrang trabaho.

Isang Japanese-Brazilian na manggagawa ang nagreklamo ng hirap sa paghinga habang nagtatrabaho sa pabrika kung saan siya ipinadala at biglaang namatay dahil sa sakit sa puso.

Ang abogado ng naulilang pamilya (na bumalik sa kanilang bansa) ay naghinala na ang sanhi ng pagkamatay ay dahil sa labis na pagtatrabaho. Siya ay gumamit ng pamamaraan sa korte na tinatawag na "pag-iingat ng ebidensya" upang makakalap ng katibayan kaugnay sa mga oras ng trabaho tulad ng mga time card. Dahil dito, napag-alaman na nag-overtime ang manggagawa ng 100 oras sa isang buwan bago siya namatay.

Batay sa mga ebidensyang nakalap, bilang resulta ng pag-aplay para sa isang kaso ng "aksidente sa industriya" sa Labor Standards Inspection Office, ang manggagawa ay napag-alamang namatay sa labis na oras ng pagtatrabaho, at ang naulilang pamilya na nasa kanilang bansa ay maaari pa ring makatanggap ng survivor compensation pension. Nagsampa rin ng kaso ang naulilang pamilya na naghabol ng danyos laban sa kumpanyang nagpadala at sa kumpanyang namamahala sa pabrika kung saan nangyari ang pagkamatay, sa kasong hindi pagsa alang-alang sa kalusugan ng manggagawa.

Ang mga naulila ay binayaran ng danyos para mga pinsala.

Konsultasyon 2 - Aksidente sa Trabaho

Malubhang nasugatan ang isang manggagawa mula sa Africa nang siya ay nag a-underlay ng isang konkretong produkto habang nagtatrabaho sa pabrika kung saan siya ipinadala. Sa kabutihang palad, hindi nag agaw-buhay ang manggagawa dahil sa aksidente , subalit ang Sending Organization o ahensyang pinagmulan ng dispatch ay hindi nag-apply ng insurance para sa isang "aksidente sa industriya" at hindi lamang iyon, tinanggal pa sa trabaho ang manggagawa.

Bilang resulta ng nag-aaplay na abogado para sa isang claim na danyos para sa "aksidente sa industriya," at ang manggagawa ay nakatanggap ng kabayaran para sa leave bunga ng aksidente at sequelae o after-effect nito. Dagdag pa rito, nagsampa ng kaso ang manggagawa na naghahabol ng danyos laban sa kumpanyang nagpadala at sa kumpanyang namamahala sa pabrika kung saan sila nagtatrabaho, sa kasong hindi pagsa alang-alang ng kalusugan ng manggagawa. Siya ay binayaran ng danyos para sa mga pinsalang dulot ng aksidente.

Konsultasyon 3- Hindi Pagbabayad ng Overtime Pay

Napilitan ang isang technical intern trainee mula sa Vietnam na (1)mag-log sa time card ng detalye na iba sa kanyang aktwal na trabaho, at (2) tumanggap ng kabayaran na bahagya lamang ng aktwal na overtime work na iginugol, at (3) hindi siya nakakuha ng bayad na bakasyon.

Bilang resulta ng pagkonsulta sa isang abogado sa pamamagitan ng Facebook at paghahain ng labor trial sa korte, nabayaran ang kakulangan sa overtime pay ng technical intern trainee, at nakapagbakasyon ito sa kanyang bansa gamit ang paid leave.

Konsultasyon 4 - Hindi Makatarungang Pagkatanggal sa Trabaho

Isang Chilean national worker na may permanent resident status ay minaltrato at binugbog ng isang Japanese senior sa trabaho. At dagdag pa dito, ang Japanese senior ay nag-ulat sa pangulo ng kumpanya ng mga kasinungalingan gaya ng pagsabi daw ng manggagawa na "Hindi ako seryoso sa trabaho" at "Hindi siya sumusunod sa aking utos". Naniwala ang pangulo ng kumpanya sa maling ulat at kalaunay pinaalis ang manggagawa.

Sa pamamagitan ng isang support organization na nagpakilala ng abogado inihain sa korte ang kaso. Ang manggagawa ay nakakuha ng bayad sa pag-areglo sa kadahilanang ang pagpapaalis ay hindi makatarungan.

Konsultasyon 5 - Maagang Pagtatapos ng Pagsasanay sa Teknikal Intern

Isang technical intern trainee mula sa Vietnam ang sinabihan ng kanyang employer na tinatapos na ang kanyang taining bagama't may nalalabi pang isang taon sa kanyang internship.

Ang technical intern trainee na hindi kumbinsido ay sumangguni sa isang abogado sa pamamagitan ng isang interpreter at nagsampa ng kaso. Siya ay humihingi sa kumpanya ng kabayaran sa sahod para sa natitirang panahon ng pagsasanay, at sinasabi na ang pagpapaalis ay hindi makatwiran. Sa paglilitis, isang kasunduan ang naabot kung saan naunawaan ng korte ang mga paratang ng technical intern trainee at binayaran ng kumpanya ang humigit-kumulang 60% ng halagang hinihingi.

Konsultasyon 6 - Sexual Harassment

Isang babaeng manggagawa mula sa China na nagtatrabaho nang may katayuang residence of technology, humanities knowledge, at international affairs ang paulit-ulit na sekswal na pinagsamantalahan ng presidente ng kumpanya. Gayunpaman, nang lumaban ang manggagawa, siya ay tinanggal sa trabaho ng pangulo kumpanya.

Nakipag-ugnayan ang babaeng manggagawa sa kumpanya sa pamamagitan ng unyon ng manggagawa sa ilalim ng gabay ng isang abogado. Dahil dito, kinilala ng kumpanya ang katotohanan ng sexual harassment at binayaran ang babaeng manggagawa ng sexual harassment "alimony" at kabayaran para sa pagtanggal sa trabaho kapalit ng pag-alis nito sa kumpanya.

Konsultasyon 7 - Apela Laban sa Parusa

Isang manggagawa mula sa Pilipinas na nagtatrabaho bilang isang system engineer na may status na "residence of technology, humanities knowledge, at international business" ay diumano'y hindi tinrato ng mabuti ng kanyang kumpanya. Dahil dito, nagdulot ng kawalan ng tiwala sa kumpanya ang manggagawa at boluntaryong nag-resign kahit hindi pa nagtatapos ang kanyang kontrata. Nagsampa naman ng demanda na naghahabol ng danyos para sa paglabag sa kontrata ang kumpanya.

Kumunsulta ang manggagawa sa isang abogado na ipinakilala ng unyon ng manggagawa. Iginiit sa paglilitis na ilegal ang mga aksyon ng kumpanya dahil wala naman natamong pinsala ito. Dahil dito, nakipag-ayos ang manggagawa sa kumpanya nang walang ibinayad na danyos.

Kumonsulta sa pamamagitan ng tawag sa telepono
  1. Pakisabi sa amin ang iyong pangalan, numero ng telepono, at gustong wika.
  2. Tatawagan ka ng interpreter nang hindi ibinubunyag ang kanyang caller ID.
Ang Osaka Help Desk
ay maaring tawagan sa
Lunes hanggang Biyernes
(hindi kasama ang mga holiday)
mula 10:00am hanggang 17:00pm
Ang Nagoya Help Desk
ay maaring tawagan sa
Lunes hanggang Biyernes
(hindi kasama ang mga holiday)
mula 10:00am hanggang 17:00pm