外国人労働者法律相談:マイグラント研究会 外国人労働者法律相談:マイグラント研究会

Ano ang Migrant Worker Research Group?

Ang Migrant Worker Research Group ay organisasyon na binubuo ng mga abogado, opisyal ng union, mananaliksik (researcher), interpreter, atbp. Na nagtatrabaho patungkol sa mga isyu ng dayuhang manggagawa sa Japan.

Ang mga abogado ng grupo ay may malawak na karanasan sa mga kaso ng dayuhan at handang makinig magbigay ng payo sa mga konsultasyon sa batas-paggawa para sa mga dayuhan. At depende sa kaso, sila ay mamamahala sa mga ito at magpapakilala sa kaukulang mga organisasyong makakatulog sa mga nasabing kaso.

Kami ay tumatanggap ng konsultasyon patungkol sa usaping pang empleyo at pantrapikong aksidente

Sumangguni sa isang abogado

Di pagbayad ng overtime pay ng kumpaniya

Konsulta
Ako ay nagtatrabaho ng 11 oras, 6 araw sa isang lingo ngunit hindi bayad ang overtime pay ko.

Sagot
Para sa mga oras na ika'y nagtrabaho ng higit sa 8 oras sa isang araw at 40 oras sa isang linggo, maari kang mag-claim ng extra pay na 125% sa normal na takdang isang oras na sahod bilang overtime pay. Upang ma-claim mo ang hindi nabayarang overtime pay, kailangan mong patunayan ang bilang ng working hours na ginugol mo. Maliban sa timecard, maari mong gamitin ang iyong sulat-kamay na mga talaan (notes o memo) ng iyong saktong time-in at time-out sa trabaho. Kung ang sweldo ay mas mababa sa itinakdang minimum wage, maari mo rin i-claim ang kakulangang bahagi nito. Ang sweldo ay mag-e expire sa loob ng tatlong taon mula sa araw ng pagkakatanggap, kaya nararapat na i-claim ito sa lalong madaling panahon.

Aksidente sa trabaho

Konsulta
Habang nagtatrabaho gamit ang press machine naipit ang tatlong daliri ko at naputol.

Sagot
Kung maga-apply ka sa kabayaran para sa aksidenteng pang-industriya (Rousai), matatanggap mo ang 80% ng katumbas na sahod para sa mga araw na kinailagan mong lumiban sa trabaho, reimbursement ng gastusin pang medikal, at pensiyon o lump-sum na pagbabayad upang mabayaran ang anumang natitirang sequelae o kundisyon na dinulot ng sakit o pinsala.

Sinisante ako ng kumpanya

Konsulta
Nagtatrabaho ako sakop ng status of residence sa ilalim ng "Humanities at International Affairs" ngunit bigla akong na-dismiss dalawang buwan bago matapos ang panahon ng aking pananatili (period of stay).

Sagot
Ang pagpapaalis ay nangangailangan ng isang makatwirang kondisyon. Kung wala, ang pagpapaalis ay hindi wasto o ilegal. May dalawang posibleng solusyon dito.

  1. Kilalanin ang status ng iyong empleyo upang patuloy na makapagtrabaho at mabayaran ng kaukulang suweldo sa iyong kasalukuyang employer.
  2. Maaari ka ring mabayaran ng kaukulang kompensasyon kapalit ng iyong resignasyon sa trabaho. Sa iyong kaso, wala ng mahabang oras bago dumating ang petsa ng pag-expire ng iyong pananatili sa Japan kaya mangyaring kumunsulta sa amin sa lalong madaling panahon.

Pagkamatay sanhi ng labis na trabaho

Konsulta
Ang aking ama, na nago-overtime araw-araw at pumapasok sa trabaho kahit Sabado at Linggo ay biglang namatay sanhi ng atake sa puso.

Sagot
Kung ang isang manggagawa ay nag overtime o nagtrabaho sa mga pista opisyal na umabot ng higit sa 80 oras na trabaho sa loob ng isang buwan, at namatay dahil sa sakit sa puso o utak, sya ay maaaring ituring na namatay dahil sa labis na pagtatrabaho (Karoushi). Ang naulilang pamilya ay may malaking tsansa na masakop ng insurance claim para sa kompensasyon sa aksidente ng manggagawa (Rousai). Kung kinikilala ang kamatayan o pagpapakamatay ng isang manggagawa dahil sa labis na trabaho, kadalasan ay possible rin na mag claim ng mga pinsala laban sa kumpanya bilang karagdagan sa Rousai.

Inirerekomenda namin na magtanong ka sa isang abogado dahil detalyado ang pamantayan para sa sertipikasyon ng Karoshi, at kailangang maglikom ng ebidensya upang patunayan ang kaso.

Biglaang pagtigil ng internship

Konsulta
Nagtatrabaho ako bilang Technical Intern Trainee dito sa Japan ngunit bigla akong sinabihan ng employer ko na ititigil na ang contract at pauuwiin na sa Pilipinas.

Sagot
Kung hindi ikaw ang responsable sa dahilan kung bakit hindi na magpapatuloy ang iyong Technical Internship, maaari mong hilingin sa iyong Supervising Organization na hanapan ka ng bagong destinasyon para sa pagpapatuloy nito. Ang OTIT ay mayroong consultation desk para sa mga interns. Kung hindi ka makakahanap ng bagong destinasyon para sa pagpapatuloy ng iyong internship ay maaari kang pabalikin sa iyong bansa kaya inirerekomeda na madaliin ang pagkunsulta sa isang abogado na pamilyar sa mga kaso ng banyaga dito sa Japan. Tandaan, bawal ang pagpapauwi sa intern nang labag sa iyong kalooban.

Pantrapikong aksidente

Konsulta
Nabangga ako ng kotse, at labis na napinsala.

Sagot
Kung nasugatan man o napinsala ka sa isang pantrapikong aksidente, maaari kang mag-claim ng mga nagastos sa pagpapagamot, bayad sa konsultasyong medical, mga sweldo na hindi nabayaran dahil sa iyong pag absent sa trabaho sanhi ng sakuna, at iba pa. Dagdag pa dito, posible din na mag-claim para sa karagdagang bayarin na medical at nawalang sweldo na dulot ng side effect ng pinsalang inabot. Gayunpaman, ang halaga na maaari mong masingil ay depende sa mga pangyayari ng aksidente at sa katayuan ng iyong status of residency.

Sumangguni sa isang abogado
Kumunsulta sa pamamagitan ng tawag sa telepono
  1. Ibigay sa amin ang iyong pangalan, numero ng telepono, at gustong wika.
  2. Makakatanggap ka ng tawag na walang caller ID mula sa isang interpreter.
Ang Osaka Help Desk
ay maaring tawagan sa
Lunes hanggang Biyernes
(hindi kasama ang mga holiday)
mula 10:00am hanggang 17:00pm
Ang Nagoya Help Desk
ay maaring tawagan sa
Lunes hanggang Biyernes
(hindi kasama ang mga holiday)
mula 10:00am hanggang 17:00pm
Kumunsulta gamit ang Facebook

Kung mayroon kang anumang nais mong talakayin, mangyaring ipadala sa amin ang iyong katanungan sa pamamagitan ng Facebook.

  1. I-access ang opisyal na Facebook page ng Migrant Study Group.
  2. I-click ang asul na “Send Message” na button sa itaas ng screen ng Facebook.
    O di kaya ay i-enter ang inyong tanong sa "Legal na konsultasyon para sa mga manggagawang Filipino"
  3. Sasagot ang isang abogado sa iyong katanungan sa pamamagitan ng screen ng mensahe.
    Depende sa nilalaman ng iyong tanong, maaaring tumagal ng ilang araw hanggang isang linggo bago makapagbigay ng tugon.