外国人労働者法律相談マイグラント研究会
Kumonsulta sa pamamagitan ng tawag sa telepono
  1. Pakisabi sa amin ang iyong pangalan, numero ng telepono, at gustong wika.
  2. Tatawagan ka ng interpreter nang hindi ibinubunyag ang kanyang caller ID.
Ang Osaka Help Desk
ay maaring tawagan sa
Lunes hanggang Biyernes
(hindi kasama ang mga holiday)
mula 10:00am hanggang 17:00pm
Ang Nagoya Help Desk
ay maaring tawagan sa
Lunes hanggang Biyernes
(hindi kasama ang mga holiday)
mula 10:00am hanggang 17:00pm
Kumonsulta gamit ang Facebook

Kung mayroon kang anumang nais mong talakayin, mangyaring ipadala sa amin ang iyong katanungan sa pamamagitan ng Facebook.

  1. I-access ang espesyal na Facebook page ng Migrant Study Group.
  2. I-tap ang asul na “Send Message” na button sa itaas ng screen ng Facebook.
    O di kaya ay i-enter ang inyong tanong sa "Legal na konsultasyon para sa mga manggagawang Filipino"
  3. Sasagot ang isang abogado sa iyong pagtatanong sa pamamagitan ng screen ng mensahe.
    Depende sa nilalaman ng iyong pagtatanong, maaaring tumagal ng ilang araw hanggang isang linggo para sa isang tugon.

Mga Kadalasang Tanong (Frequently Asked Questions)

Sino ang sasagot sa aming mga katanungan sa konsultasyon?
Ang mga abogado po ng aming grupo ang resposableng tutugon sa inyong mga katanungan.
Maaari bang magpa konsulta kahit hind isa wikang Hapon?
Maaaring sumangguni ng inyong mga katanungan sa wikang Intsik (Mandarin), Portuges, Espanyol, Tagalog, Vietnamese, at Ingles.
Ano ang paraan ng paghingi ng konsultasyon?
Maaari nyong i-access ang special page sa aming opisyal na Facebook page, at doon i-post ang inyong mga katanungan.
(Gamiting gabay ang QR code na matatagpuan sa aming leaflet)
Magkano ang aming babayaran para sa konsultasyon?
Libre ang aming unang Facebook consultation. Para sa mga konsultasyon ng one-on-one, maaari po kayong magpatuloy ayon sa kaukulang mga consultation at interpreter fees.
Maaari bang magpa konsulta kahit saan ako nakatira sa Japan?
Ang aming grupo ay aktbi sa mga rehiyon ng Kansai at Tokai. Maaari kang tanggihan sa iyong konsultasyon depende sa iyong lugar.
Maaari bang hingin ang sangguni ng isang abogado para sa konsultasyon?
Maaari kayong mag request ng serbisyo ng abogado kung kinakailangan mo ito upang humarap sa isang legal proceeding.
Bilang karagdagan, kung mahirap para sa grupo na maabot ka ng aming abogado dahil sa layo ng iyong area ay maaari kang mai refer sa abogado o labor union na malapit sa iyo.