Tulad ng "Specialist in Humanities and International Services", "Skills", at "Technology", ito ay isang kwalipikasyon na nakaugnay sa nilalaman ng trabaho na maaaring gawin ng dayuhan sa Japan. Kung magpapalit ka ng trabaho, kailangan mong baguhin ang iyong status of residence.
Tulad ng "Permanent Resident" o "Spouse of a Japanese National", isa itong status of residence na nauugnay sa katayuan ng isang banyaga o dayuhan sa Japan, may trabaho man o wala. Maraming mga kaso na kung saan ang mga taong may lahing Hapon (Japanese descendants or Nikkei-jin) ay may ganitong estado ng paninirahan. Ang trabaho na maaaring gawin ay hindi limitado para isang taong may ganitong estado ng paninirahan.
Sa kaso ng mga technical intern trainees, pinapayagan silang magtrabaho sa Japan sa pamamagitan ng status of residence na "technical intern training." Kapag natapos ang panahon ng pagsasanay sa technical internship ay maaari kang lumipat sa estado ng paninirahan bilang "Specified Skilled Worker" ngunit ito ay para lamang sa partikular na trabaho na maaari mong ipagpatuloy sa Japan.
Kahit na mayroon kang status of residence na hindi orihinal na pinapayagang magtrabaho sa Japan, tulad ng "Foreign Student," "In-school," "Short-term Stay," atbp., maaari kang pahintulutang makapagtrabaho kapag mayroon kang permit para sa "mga aktibidad sa labas ang estado ng paninirahan", tulad ng part-time job sa loob ng itinatakdang tiyak na oras.
Sa kabilang banda, kung wala kang status of residence, hindi ka pinapayagang magtrabaho sa Japan. Gayunpaman, sa katunayan, may mga dayuhan na nakakapag trabaho kahit na walang status of residence sa Japan, at sila ay nabibigyan din ng karapatan bilang mga manggagawa. Bilang karagdagan, may mga kaso sa korte na humihingi ng espesyal na permit sa paninirahan o katayuan bilang “refugee,” at may posibilidad na may partikular na pagsasaalang-alang na ibibigay ang korte upang maprotektahan ang kaligtasan ng isang dayuhan sa bansa.