Kung nagtatrabaho ka ng mahabang panahon, maaari itong magdulot ng pag-collapse o pagkamatay dahil sa sakit sa utak o puso, o magkaroon ng sakit sa pag-iisip at magpakamatay. Ito ay tinatawag na overwork death (Karoshi) o pagkamatay sanhi ng labis na pagtatrabaho.
Sa kaso ng manggagawang nagkasakit na dulot ng labis na pagtatrabaho (limitado sa partikular na sakit), maaari mong gamitin ang insurance sa kompensasyon ng mga manggagawa (Workers' Compensation Insurance). Ganun din ang kaso kung may namatay na kapamilya sanhi ng karoshi, maari silang mag-claim sa ngalan ng namatay na manggagawa.
Subalit kadalasan ay hindi malinaw ang batayan kung ang trabaho ang dahilan ng kamatayan. Kung hindi ka kinikilalang may trabaho, hindi ka makakatanggap ng insurance sa kompensasyon ng mga manggagawa (Workers' Compensation Insurance).
Kung ikaw ay may isyu tungkol dito, makipag-usap sa isang abogado sa lalong madaling panahon.
Kung karaniwan kang nagtatrabaho ng higit sa 80 oras na overtime sa isang buwan, mas madaling matukoy ang trabaho bilang sanhi ng kamatayan. Mas madaling makilala na ang trabaho ang sanhi ng stress o labis na pagkapagod sa panahong ito..
Hindi madaling mangalap ng ebidensya na nagtrabaho ka nang mahabang panahon. Maaaring may mga kaso na kung saan wala kang katibayan na i-claim ito. Gayunpaman, kung kumunsulta ka sa isang abogado, maaari kang makakuha ng ebidensya sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.
Mangyaring sumangguni agad sa Migrant Study Group tungkol dito.