外国人労働者法律相談マイグラント研究会

Legal na Komentaryo

Technical Intern Training

Ang mga manggagawa ay protektado sa ilalim ng batas-paggawa ng Japan

Ang bawat manggagawa sa isang kumpanya ay protektado ng mga batas na ito.

May simpleng paliwanag na nakasulat sa website na ito. Kung sa tingin mo ay "kakaiba" ang pamantayan sa iyong pagtatrabaho, basahin ang mga ito.

Pagkatanggal sa Trabaho o Dismissal

Marami rin ang mga ilegal na kumpanya sa Japan. Sa ilang mga kaso, ang "Supervising Organization" o organisasyon na nangangasiwa na dapat gumagabay sa kumpanya ay hindi nakapagbibigay ng sapat na patnubay. Maaari pa nga silang gumawa ng mga ilegal na gawain kasama ang kumpanya. Kung nagtatrabaho ka sa isang ilegal na kumpanya, kumonsulta agad sa isang abogado.

【Karaniwang mga halimbawa】
  • Sapilitang pag-iimpok ng pera (forced savings).
  • Di-makatarungang singil sa dormitory fees at food expenses na ibinabawas sa sahod.
  • Paniningil ng penalty o fine sa “paglabag” sa mga regulasyon .
  • Mas mababang pasahod sa itinakdang minimum wage.
  • Hindi pagbayad ng overtime pay.
  • Termination ng technical intern training nang walang sapat na dahilan.
  • Pagkuha o pagtago ng passport.
  • Pagbabawal gumamit ng mobile phones at/o computers.
  • Pagbabawal sa paglabas sa oras ng pahinga.
  • Paggamit ng karahasan.

Kumonsulta tayo!

Bawat tao ay may karapatan. Hindi mo kailangang mag-alala o magtiis tungkol dito. Mayroong mga pampubliko na konsultasyon tulad ng Organization for Technical Intern Training (OTIT) at Labor Standards Inspection Office. Kung ikaw ay nasa rehiyon ng Kinki / Tokai, kami sa Migrant Study Group ay maaaring makatulong sa iyo.

Gayundin, maging alisto tayo sa pag-kalap ng ebidensya. Ang pag-iingat sa iyong talaarawan ng nangyari sa kumpanya, pag-iingat sa memo ng mga oras ng trabaho, pagkuha ng larawan ng dokumentong naka-post sa kumpanya, at pag-kalap ng ebidensya sa iba't ibang paraan ay maaring maging sandata upang maproteksyunan ang iyong sarili.