Bilang panuntunan, ang kumpanya ay hindi dapat pahihintulutan ang kanyang mga manggagawa na magtrabaho nang higit sa 8 oras sa isang araw (hindi kasama ang 1 oras na pahinga). Gayundin, hindi sila dapat pahintulutang magtrabaho nang higit sa 40 oras sa isang linggo. Ang trabaho ng isang empleyado na lampas sa itinakdang oras ay itinuturing na overtime na trabaho.
Dapat magbigay ang kumpanya ng break time sa kanyang mga manggagawa. Kung ang oras ng pagtatrabaho ay mas mahaba sa 6 na oras, ang empleyado ay dapat magpahinga ng hindi bababa sa 45 minuto. Kung ang mga oras ng trabaho ay mas mahaba sa 8 oras, dapat silang pagpahingahin ng higit sa 1 oras.
Dapat bigyan ng kumpanya ang kanyang mga manggagawa ng hindi bababa isang araw na pahinga bawat linggo, o hindi bababa sa apat na araw na pahinga sa loob ng apat na linggong pagtatrabaho.
Kung ang kumpanya at ang manggagawa ay gumawa ng naunang kasunduan, ang kumpanya ay maaaring magbigay ng kaukulang overtime o holiday work na trabaho sa isang manggagawa nang hindi hihigit sa 45 oras sa isang buwan, at hindi maaring humigit sa 360 oras sa isang taon.
Kung nag-overtime ka o nagtatrabaho sa araw ng pista-opisyal, maaari kang maningil ng overtime pay. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang pahina ukol sa overtime pay.
Maaaring makapagpahinga ang mga manggagawa sa isang araw na kanilang pinili, bukod sa kanilang karaniwang araw na walang pasok. Ito ay tinatawag na bayad na bakasyon o paid leave. Kahit na kumuha ka ng paid leave, mababayaran ka sa araw na magpahinga ka. Halimbawa, kung ang isang taong nagtatrabaho halos araw-araw ay nagtatrabaho ng 6 na buwan, sa prinsipyo, mayroon siyang 10 araw pa paid leave. Depende sa bilang ng mga taon na patuloy kang nagtatrabaho, ang bilang ng mga binabayarang paid leave ay tataas mula 10 araw hanggang 20 araw.
Maaaring hindi ka makakuha ng paid leave sa araw na gusto mo. Halimbawa, kung sasabihin mo sa kumpanya na gusto mong kumuha ng paid leave sa Oktubre 1, ngunit walang sapat na lakas-tao o manggagawa sa kumpanya sa araw na iyon, maaaring sabihin ng kumpanya na "Hindi ok ang araw na ito para sa paid leave" at ikaw ay maaaring hindi pahintulutan sa araw na gusto mo. Kung ganoon, maaaring magpahinga ang manggagawa sa ibang araw na medyo malapit, tulad ng Oktubre 8 (halimbawa).